Sunday, January 31, 2016

Global Warming

Bakit kaya mayroong Global Warming? Bakit kaya mainit kapag mayroong Global Warming? 

     


      Kapag may Global Warming, ang temperatura ay mainit. Kapag may Global Warming, mapapawisan ang mga tao at hindi makakapagsuot ng makapal na jacket. 

      Dapat hindi tayo nagpuputol ng mga puno. Dapat tayo ay nagtatanim. Ang mga puno ay nagbibigay ng oxygen. Kailangan natin ng oxygen para makahinga. Ang Global Warming ay nagpapainit ng Earth kaya kailangan natin alagaan ang mga puno at halaman para mabawasan ang Global Warming.



Sunday, January 24, 2016

Kai Kidzania!

Enero 23, 2016



      Pumunta kami sa Kidzania noong Enero 20, 2016. Gumawa kami ng Cream O. May sarili silang salita ng ""Hi, See you, Thanks at Thank you". May ibang mga tao doon. Sa Kidzania kumain kami ng mcdo. Sa Kidzania madami kang mabibili doon. Ang Kidzania ay maganda. Masaya ang mga tao doon kasi madami kang mapupuntahan. 


       Masaya kaming lahat. Sana ay makabalik kami ulit sa Kidzania. Isasama ko ang aking pamilya at mga kaibigan. Madami akong natutunan sa Kidzania.