Tuesday, March 8, 2016

Ang Ating Kalayaan

          Puwede natin gawin ang kahit ano pero dapat huwag lang masama. Masaya tayo kapag may kalayaan. Kapag walang kalayaan, hindi tayo laging masaya kapag may nagpapasaya sayo. May kalayaan akong mag-aral ng mabuti.

    (Google)

          Lahat ng tao ay may kalayaan. Dapat magbasa ng libro o matulog at lagi huwag lang mag Ipad. Dapat laging may kalayaan.

    (Google)

Friday, March 4, 2016

Malaki ang Maynila

          Sa Maynila, pumunta kami sa Fort Santiago, Rizal Park at sa Paco Park. Naglaro kami sa playground. Naglakad kami ng matagal at nag piknik kami. Nagdasal kami ng mabilis. Tumakbo din kami ng mabilis sa Paco Park. Pawis na pawis kami. Kami ni Dylan ay naglaro sa slide. Madami ang pinuntahan namin.

Tuesday, February 23, 2016

Martial Law sa Raya

Nag simula ang Martial Law sa Raya nung Lunes at matatapos ang Martial Law sa Miyerkoles. Ang mga batas ay sinusundan namin. Ang mga batas ay bawal maglaro at gumuhit. Puwedeng kumain ng meryenda ng 15 minuto at 20 minuto para kumain ng tanghalian. Makukulong ang mga bata na hindi sinusunod ang batas at makukulong ng 1 oras. Hanggang 3 lang na batas at sunod sunod nila binibigay ang mga batas.

Raya Carnival 2016

Nagpunta kami ng pamilya ko sa Raya Carnival. Ako at ang pamilya ko ay naglaro ng jenga. Ako ay nagpa- face paint. Nag pa kyutiks din ako. Nanood kami ng puppet show. Mayroo ding tattoo ako. May mabibili ka na paper wind mills. Ang saya sa Raya Carnival!














Tuesday, February 16, 2016

Ilog Pasig

          Ang Ilog Pasig ay maganda. Sa Ilog Pasig ay may madaming mga tao na namamasyal at nagpipiknik. Masaya magpunta doon. Kaya dapat natin alagaan at linisin ang Ilog. Dapat ay huwag tayo magtapon ng mga basura. Sana ay palaging tumulong ang mga tao para alagaan ang Ilog Pasig. Para magkaron na din ng mga isda at para lalo maging maganda ang Ilog Pasig.

Wednesday, February 10, 2016

Chinese New Year sa Taong 2016



           Ang Chinese New Year ay naganap noong Enero 8. Kapag Chinese New Year, mayroon ding mga Dragon dance. Ang mga dragon ay nagpupunta sa mga tindahan para daw magdala ng swerte. Masaya manood ng dragon dance.

            Kapag Chinese New Year, naghahanda din ng mga masasarap na pagkain . Mayroon ding mga prutas. Nagbibigay din sila ng mga tikoy. Minsan din ay may mga nagpapaputok ng mga makukulay na fireworks. Masaya kapag Chinese New Year. 

Sunday, January 31, 2016

Global Warming

Bakit kaya mayroong Global Warming? Bakit kaya mainit kapag mayroong Global Warming? 

     


      Kapag may Global Warming, ang temperatura ay mainit. Kapag may Global Warming, mapapawisan ang mga tao at hindi makakapagsuot ng makapal na jacket. 

      Dapat hindi tayo nagpuputol ng mga puno. Dapat tayo ay nagtatanim. Ang mga puno ay nagbibigay ng oxygen. Kailangan natin ng oxygen para makahinga. Ang Global Warming ay nagpapainit ng Earth kaya kailangan natin alagaan ang mga puno at halaman para mabawasan ang Global Warming.